Ang Canada ay kilalang destinasyon para sa mga migrante sa buong mundo, kasama dito ang mga Pilipino. Ayon sa census ng Canada noong 2021, nasa .96 milyong Pilipino ang nakatira sa Canada, sapat para mabilang ito sa mga pinakamalaking kumunidad ng mga imigrante sa bansa. Talakayin natin ang mga dahilan kung bakit ang Canada ay isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga migranteng Pilipino.

Ethnic or cultural origins reports by the population - Canada 2021

Statistics Canada

Malakas na Ekonomiya at Oportunidad sa Trabaho

Ang malakas na ekonomiya ng Canada ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming migranteng Pilipino ang nais dumayo dito. Kabilang ang Canada sa G7, ang samahan ng pitong nangungunang ekonomiya sa mundo. Isa ang Canada sa may pinaka-maunlad na ekononmiya sa mundo at dahil dito, maraming oportunidad para sa mga gustong magtrabaho dito.

Maayos na Pamumuhay

Laging nangunguna ang Canada sa listahan ng mga bansang may pinaka mataas na kalidad ng pamumuhay. Dalawa sa mga lungsod nito, ang Toronto at Vancouver, taon-taon ay nasa listahan ng 10 pinaka magandang lugar para manirahan saan man sa mundo. Ang politika sa Canada ay balanse, mapayapa, at progresibo. Ang mga pulitiko ay mas madalas na nakikipagtulungan ibis na manira. Bukod dito, ang Canada ay mapag  alaga sa kalikasan at ang sistema para sa edukasyon at kalusugan ay kinaiingitan pati na ng ibang mauunlad na bansa. Ang lahat ng ito ay dahilan para makaakit ang Canada ng mga Pilipinong naghahanap ng maayos na pamumuhay para sa kanilang mga sarili at pamilya.

Kaligtasan at Seguridad

Kilala ang Canada sa pagkakaroon ng mababang antas ng krimen at ligtas na pamayanan, mga bagay na mahalaga para sa pagbuo ng isang maayos na pamilya. Ang gubyerno ng Canada ay gumagawa ng mga hakbang para pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan at residente nito kaya kilala ito na isa sa mga pinaka ligtas na bansa sa buong mundo. Ramdam ng mga Pilipinong naninirahan sa Canada na sila ay ligtas at makakapamuo ng pamilya ng walang takot.

Lipunan ng Iba’t ibang Kultura

Ang Canada ay kilala sa pagkakaroon ng lipunan na kinabibilangan ng mga kultura mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Malugod ang pagtanggap ng Canada sa mga imigrante at hinihikayat nito na panatilihin ang kanilang mga nakasanayan habang sila ay nakikisama sa lipunan ng Canada. Maigting na pinapatupad ng gubyerno ng Canada ang pagkakaiba-iba at pagsasama sa lipunan. Ito ay naglilikha ng isang mapagtanggap na kapaligiran para sa mga imigrante kung saan hindi nila ramdan ang pagiging dayuhan sa ibang bayan. “Feeling at home” ang mga Pilipino sa Canada dahil madali sila makahanap ng mga komunidad na may katulad na kultura at tradisyon na nakaka tulong sa pag handa sa buhay sa ibang bansa.

Patakaran ng Canada sa Imigrasyon

Ang Canada ay isa sa may pinaka mapagtanggap na patakaran sa imigrasyon sa buong mundo. Mas madali para sa isang dayuhan Pilipino ang maging imigrante o mamayan sa Canada. Aktibong hinihikayat ng gubyerno ng Canada ang imigrasyon bilang kasangkapan sa pagpapatatag ng kanilang ekonomiya at lipunan. Nagaalok ang bansa nang iba’t-ibang programa para sa pagpunta at pagtira sa Canada tulad ng Express Entry system, Provincial Nominee Programs, at Family Sponsorship. Ang Family Sponsorship Program ay nagpapadali para sa mga Pilipino na makarating sa Canada para makasama ang kanilang mga pamilya na naroroon na.

“Point-based system” ang pinatutupad ng Canada para sa kanilang pangunahing programa na Express Entry Program kung saan sinusuri ang bawat taong nais makapunta sa Canada base sa kanilang edukasyon, karanasan sa trabaho, kasanayan sa wikang Ingles o Pranses, edad, at iba pa. Ang mga Pilipino na kayang tugunan ang mga pamantayang ito ay kuwalipikado para dumayo sa Canada.

Matatag na Pamayanan ng mga Pilipino

Ang Canada ay may matatag at masiglang pamayanan ng mga Pilipino na ngayon ay umaabot sa mahigit 950,000 na nakatira sa bansa. Ang bagong dating na Pilipino sa Canada ay madaling makakapagugnayan sa iba pang mga Pilipino para makakuha ng suporta. Maraming kaganapan at pagdiriwang ang inihahanda ng iba’t ibang Pilipinong organisasyon taon-taon para mapangalagaan ang tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

Sa konklusyon, ang Canada ay kaakit-akit na destinasyon para sa mga Pilipinong imigrante dahil sa mapagtanggap na patakaran nito sa imigrasyon, matatag na ekonomiya, mataas na kalidad ng buhay, multikultural na lipunan, at matatag na pamayanang Pilipino. Ito ang mga kadahilanan upang ang Canada ay maging mahusay na pagpipilian para sa mga Pilipinong gusto mag panibagong buhay sa ibang bayan.

Share This
-->